Friday, August 28, 2009

ang saranggola ni pepe


dahil ngayon ay Agosto pa, hayaan niyo akong magblog ng wikang Filipino, ang wikang pinakamalapit sa ating lahat.

buwan ng agosto - buwan ng wika..

ngunit hindi para sa akin!
it was a busy month for me.

nagsimula ang buwan sa pinakamadugong exams na aking naranasan sa satanang buong buhay ko. hindi ko inaasahang me chemistry pala kami - ang aking pinakasusuklam na subject. meron rin kaming exam sa salvation history.. kahit na ito ay masaya, very objective naman ang naging exams namin dito. never ko pang nagustuhan ang memory exams. daig ko pa ang may alzheimer's sa memorya. ito ay hindi dahil mahina ang aking memory, ngunit mahina ang aking determinasyon upang magaral. parati kong sinasabi sa sarili ko na ang pinakamababang sangay ng intellect ay ang rote memory. (mabuhay ang mga gurong naniniwala sa prinsipyong ito, sana naging guro ko na lang kayo!) magagawa ng isang bata ang magmemorize ng sangkatutak na linya sa isang tula. kung totoo nga ito, anong pinagkaiba nating college students sa kanila???

shemay, nakaasar.
sabi nila repetition is the proof of understanding.. sino bang toklats ang nagsabi nun? tama nga naman. pero, hindi indicated dun na repetition na word-by-word. sa reasoning pa rin ako saludo! thinking. reasoning. ito ang nagbibigay ng kaluluwa sa mga ideya ng isang studyante. magagawa ng isang studyante na matapos ang pagaaral ng hindi ito gamitin, pero naging tapat nga ba siya sa tawag ng liwanag, ng talino, ng dignidad ng tao - ang pagiisip? sa aking reliazation na ito, sana nawa ay maisip ko na mahalaga ang mga exams na ito at hindi magrason ng magrason na me mga bagay na hindi importante at not-worth-studying subjects.. pinagaaral ako ng mga magulang ko at wasto lamang na bigyan ko ang dignidad ng kanilang paghihirap sa pagbibigay ng lahat ng aking makakaya ang mga exams na ito.

sinapak nanaman ako ng pananaw ng nanay ko..
"ang pagsisisi pa rin ay nasa huli." ngayon nagsisisi pa rin ako sa mga ginawa ko sa recent exams. nagsisisi rin ako kung bakit ako nagsisisi dahil tapos na rin lamang ang exams at wala na akong magagawa.. marahil meron pa, me revalida pa naman eh. whew. kaya nga astig bumagsak eh, natutunan ng taong muling tumayo. wahahaha.

august 1, 2009 - guess who?
dilaw na araw, tila parang may hepatitis ang lahat ng tao. sa bagay, nakidalamhati sila sa pagkamatay ng isang taong di ko lubusang kilala. ang inquirer rin ay nagkulay yellow na mahigit na isang linggo.. sana meron pa ring taong tumatawag sa mga pilipino na magkaisa.. napakaganda nga naman talaga ang makita ang mga taong magkumpol kumpol at sumisigaw ng isang kalooban. makapanindig balahibo ring makita ang mga pilipino na tumatayo pa rin para sa kanilang paninindigan sa dapat na iparating ng totoong demokrasya.. tila kay sarap pakinggan ang iisang boses ng taong sumisigaw ng kapayapaan at pagmamahalan.

me kadugtong pa ito..